Pupuntahan sana ni Trevor si Dr. Santos nang maulinigan ang tinig ng doktor sa labas ng opisina nito. Akmang kakatok na siya nang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito. "Namatay si Celeste dahil kay Trevor Lorenzana, tito kaya sisingilin ko siya kahit pa kapalit noon ay ang buhay ng anak niya," palatak ng tinig ng kausap ni Dr. Santos. Natulos siya sa narinig lalo na at involve na ang buhay ng anak niya. "Celeste?" usal sa pangalan na binanggit ng tinig. "Celeste Javier," biglang nasambit at doon ay napatigil siya nang ma-realize ang pangalan ng babaeng matagal na niyang nilibing sa kanyang isipan. Sunod-sunod na lunok ang ginawa ni Trevor, may kabang kumudlit sa kanyang dibdib at naalala ang babaeng stalker niya way back high school days. "Miss, ano'ng ginagawa mo?" untag sa babaeng b