JASMINE It's been two years. It's been two years na, nang mawala si ate Miya sa amin. Hanggang ngayon 'di pa rin nagsisink in sa amin ang lahat. Lagi naming sinasabi na nasa ibang bansa si ate Miya at doon na nakatira. Nangangarap pa rin kami na isang araw na babalik siya at makikita ulit namin ang magandang ngiti niya at maririnig ang mahinahon niyang boses. I miss her. Bumuntong hininga ako at tinanaw ang buong paligid. Nandito kasi ako sa penthouse na binili ni Jeppy. Nasa work na siya ngayon and Nene? Kasama namin siya. Nasa campus na siya ngayon, sabay silang pumapasok ni Jeppy. I remembered how Jeppy's being cold and hindi siya makausap that time. Lagi siyang nakatingin lamang sa casket ni ate Miya. Pinipilit ko pa siyang pakainin that time. In less than one year, may sa