Amber Lacson's POV; Simula ng pangyayaring yun marami ng nagbago mas nakilala ko pa si Racer na kinatuwa ko ng sobra. Madalas hindi kami nagkakasundo dahil sa mga bagay na gusto ko pero sa huli nanalo din naman ako katulad ngayon. Niyaya ko siya mag star gazing nung una ayaw niya pumayag kasi baka daw sipunin ako at masyado ng gabi pero pumayag din namam nung sinabi kong nagtatampo na ako. "Gusto mo mag star gazing wala namang star." Iritang sambit ni Racer habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya at nakahiga kami sa isang kumot. "Eh di mag sky gazing na lang tayo kung walang star." Banat ko na kinatawa ko ng mahina ng gumalaw bahagya ang dibdib ni Racer na alam kong natawa din siya sa sinabi ko. Ganitong simpleng buhay ang gusto ko kasama si Racer yung tahimik at kaming dalawa la