Chapter 49 3rd Person's POV; Habang nagkakagulo ang lahat ang binata namang si Kaide ay pilit na hindi gumagawa ng ingay habang tahimik na umaakyat sa mga pader ng palasyo. Pilit itong tumatawid sa maliliit na espasyo ng pader para walang makapansin ng kahit na sino. "Damn." Mura ng binata ng mapatingin ito sa baba at malula dahil sa taas ng babagsakan niya once na madulas siya. "Isang palapag na lang." Bulong ng binata bago tumingin sa taas kung nasaan ang nag iisang kwarto na may veranda sa pang apat na palapag. "Malapit na ako Caito." -- "Anong ginagawa mo dito waitress?" Puna ng isa sa mga gwardya kay Cason na nakatalikod mula sa pangatlong palapag. "Bawal ang waitress dito." Ani ng gwardya bago ikasa ang hawak na baril. "Pasensya na naliligaw kasi---." "Arghhh!" Daing ng gw