Chapter 41 Airo Nera's POV; Hindi ko maiwasang kabahan ng tumigil kami sa isang bakanteng lote at sa gitna nun ang napakalaking gusali. "Baba." Utos ng mukhang bauncer na nagbukas sa backseat at parang laruan akong hinila palabas kasunod si Caito na hindi man lang nakikitaan ng expression. Hindi ko alam kung ano silang klaseng tao pero alam kong nasa alanganin na kaming sitwasyon ngayon lalo na may nakikita akong mga baril. 'Ano ba sila gang?pero imposibleng ordinaryong gang lang sila dahil sa mga ibat ibang klaseng armas na hawak nila.' "Airo kung may binabalak ka wag mo ng ituloy hindi sila mga basta gang lang na nakakabanggaan niyo sa university." Ani ni Caito habang naglalakad kami na kinabitaw ko sa taling nasa kamay ko at kinabuga ng hangin. 3rd Person's POV; "Welcome to my b