Chapter 37 Airo Nera's POV; "Ayos kana?" Rinig kong tanong ni Kuya ng makapasok sa kwarto ko suot ang uniform niya. Tatlong araw na din ang lumipas ng mangyari ang kahayupan na yun sakin at hanggang ngayon naggigitgit pa din ako sa galit at nanghihina ang katawan ko Sabi ng doctor side effect lang yun ng drugs lalo na napasama sa dugo ko na mas nakakapag pahina sakin kung wala yung gamot na nakuha ni Eros baka daw namatay na ako dahil sa drugs na humalo sa dugo ko na maaring maging lason. "Medyo nanghihina pa din ako pero hindi na ako nahihilo." Walang buhay na sagot ko habang binubukas sara ang palad ko. Hindi ko pa din maramdaman ang lakas ko. "Yung tatlong Domiguez siguradong babalikan kayo ng mga yun at worst pumunta ng school." Ani ko bago tingnan si Kuya na nakapamulsahang nak