Napakiusapan din sa wakas ni Heidi si Maria na huwag ng ipapalaglag ang bata sa sinapupunan nito. Nagkasundo silang dalawa na kukunin nga ni Heidi ang bata pagkapanganak ni Maria at ilalayo niya ito sa kaibigan. Pumayag si Maria dahil talagang hindi nito kayang tingnan ang batang kanyang iluluwal. Lalong-lalo na ang marinig nito ang iyak man lang ng sanggol o kaya ay hawakan. Maging ang pag-iyak nang sanggol ay ayaw marinig ni Maria kung puwede lang.
Mabilis na lumipas ang nga buwan. Sa kabila ng unwanted pregnancy ni ni Maria ay sinunod niya pa rin ang nga dapat na gawin ng isang buntis. At dahil iyon sa gabay ni Heidi at pagiging maintindihin nito sa kanyang kaibigan. Lahat nang makapagpapasaya at makakalibang kay Maria ay ginawa ni Heidi. Huwag lang maging bugnutin at magagalitin ang kanyang kaibigan.
"Ouch!" Biglang daing ni Maria sa biglang pagsakit ng kanyang tiyan na tumagal ng five minutes.
Agad namang nataranta si Heidi sa biglang pagkadama ng kanyang kaibigan ng sakit sa tiyan nito.
"Gaano kasakit? Baka labor signs na iyan Maria!" Tarantang wika ni Heidi.
Nasa park sila sa Quezon circle at namamasyal. Ganoon na lagi ang ginagawa nina Heidi at Maria para matagtag ito at hindi mahirapan sa kanyang panganganak.
"Hindi naman masydo baka napagod lang ako," sagot ni Maria habang kagat nito ang sariling bibig.
"Umuwi na tayo at maghanda. Baka mamaya magiging sunod-sunod na iyan, kabuwanan mo na kasi ngayon." Yaya na ni Heidi sa kanyang kaibigan na nakangiwi pa rin.
Tumango na lamang si Maria at sumunod na siya kay Heidi na mas tense pang tingnan kaysa sa kanya. Pero deep inside, kinakabahan na din si Maria at nakadama ito ng takot. Kahit pa naka-seminar ito ng ilang ulit sa isang pregnancy center ay hindi pa rin nito maiwasang hindi kabahan. Ngunit pagdating nina Maria at Heidi sa kanilang apartment ay naging sunod-sunod na ang nararamdaman niyang paghilab ng tiyan. Kaya mas lalong napapadaing si Maria sa sakit na halos maiyak na ito.
"Hindi ko na kaya, Heidi! Sobra na ang sakit," daing ni Maria na nakapikit at mahigpit na nakakapit sa mesa.
"Oo sandali lang! Tiisin mo muna at ihahanda ko lang ang mga gamit niyo ni baby." Nagmamadaling tugon ni Heidi at hinagilap na nito ang mga gamit nang mag-ina.
Exhale, inhale naman ang ginagawa ni Maria iniiwasan niyang huwag mapasigaw sa sakit. Nangangatog na din ang kanyang mga tuhod sa ibayonh sakit na kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang sakit basta ang alam niya tagos na tagos iyon sa buo niyang katawan.
"Huwag mo na akong pahirapan pa, lumabas ka na!" Wika ni Maria kausap ang batang nasa kanyang sinapupunan.
"Maria, papahirapan ka niya kapag hindi sa magandang paraan mo siya kinakausap!" Agad na sagot nu Heidi nang marinig nito ang sinabi ng kanyang kaibigan.
Hindi sumagot si Maria tiningnan niya si Heidi na tumatawag na ng kanilang masasakayan. Butil- butil na ang pawis ni Maria sa kanyang buong mukha at mas lalong humihilab ang kanyang tiyan. Subalit sa tuwing humihilab iyon ay kinakagat niya ang kanyang bibig para hindi makawala ang kanyang pagdaing.
Hospital.
Pagdating nina Maria at Heidi sa hospital ay nasa 10 centimeter na ang puwerta nito. Indikasyon na segundo lang ay lalabas na ang bata at iyon ang oras na hindi na alam ni Maria ang gagawinq nito. Ang akala niyang sakit na makakaya niya ay hindi pa pala kapag nasa hustong oras na ang paglabas ng bata. Kung kaya't agad ng dinala si Maria sa loob ng delivery room dahil pumutok na din ang panubigan nito.
"Kapag sinabi kong push, iire ka!" Utos ng Doktor kay Maria.
Tumango naman si Maria at mahigpit na kumapit sa magkabilaang gilid. Huminga ito nang malalim kasunod ng kanyang pag-ire. Samut-saring tagpo ang nasa isipan ni Maria sa mga sandaling iyon. Muling bumalik sa kanya lahat ng mga nangyari sa kanyang buhay at nabuhay na naman ang galit sa kanyang puso. Iyon ang nagbigay daan upang mas lalong tumapang si Maria at sa ilang ulit niyang pag-ire, narinig niya ang iyak ng isang sanggol. Sa nanghihinang katawan ni Maria ay naramdaman niyang ipinatong ang baby sa kanyang dibdib.
"Congratulations, it's a baby boy!" Bati ng Doktor kay Maria.
Napapikit si Maria wala siyang lakas loob na hawakan ang baby niya. Pero isa lang ang kanyang natitiyak, may balat ang kanyang anak sa kanang braso nito nang kanyang sulyapan bago pumikit ang kanyang mga mata.
Pagmulat ni Maria ay nasa ward na siya nakita na niyang kalong-kalong ni Heidi ang kanyang anak.
"Ang guwapo niya Maria! Napakalusog na bata at ang taba niya," matamis ang ngiting sabi ni Heidi.
Hindi umimik si Maria ibinaling niya sa iba ang kanyang tingin. Naramdaman naman ni Maria ang paglapit sa kanya ni Heidi kasabay ng pag-ingit ng baby. Na para bang sinasabi nitong tingnan naman siya ni Maria at kargahin.
"Tingnan mo siya Maria baka sakaling magbago pa ang iyong isipan." Wika ni Heidi na mababakas ang lungkot sa boses nito.
Napakurap-kurap naman si Maria pero hindi niya nilingon sina Heidi at ang baby niya.
"Kamukha mo siya Maria, nakuha niya ang dalawang biloy mo sa pisngi. Ang nunal mo sa kanyang baba, maliban sa hugis pusong birthmark niya sa braso." Sabi pa ni Heidi.
Napalunok naman si Maria nagsusumigaw ang puso nito subalit pumipigil ang kanyang isipan. Tumigil naman sa kakaingit ang baby at nanahimik sa mga bisig ni Heidi.
"Kailan kayo babalik ng San Sebastian?" bagkus ay tanong ni Maria.
Hindi agad umimik si Heidi.
"May sapat akong pera para sa kanya hindi bale na ako kaya kong magtrabaho." Muling sabi ni Maria.
Bumuntonghininga naman si Heidi.
"Talaga bang wala kang pagmamahal na nararamdaman maski kaunti sa batang ito?" Malungkot na tanong ng dalaga.
Hindi umimik si Maria subalit kumibot-kibot ang labi nito. Namamasa ang kanyang mga mata at tila may muling dumagan sa kanyang dibdib. Kinontrol ni Maria ang kanyang emosyon pati ang panginginig ng kanyang katawan. Ipinamukha niya kay Heidi ang kanyang katapangan, ang kanyang pagiging malamig sa batang nagmula sa kanya.
"Isa siyang anghel, kaya tatawagin ko siyang Angelo kung papayag ka." Wika ni Heidi kinalaunan.
Napapikit nang mariin si Maria at huminga ito nang malalim.
"Bahala ka kung ano ang ipapangalan mo sa kanya," mahinang sagot ni Maria.
Muling bumuntonghininga si Heidi.
"Talagang naging bato na ang puso mo, Maria. Pero, sige tatanggapin ko ang pasya at trato mo dito kay Angelo. Uuwi kami ng probinsya kapag nakalabas ka na dito huwag kang mag-alala. Tutupad ako sa ating napagkasunduan subalit sasabihin ko na din ang kapalit nito kagaya ng sinabi ko noon sa'yo!" Anito.
Natigilan si Maria, unti-unti siyang tumingin kay Heidi. Nagtama ang kanilang paningin at nagkasukatan nang titig. Si Heidi ang unang kumurap saka ito tumingin sa baby na hawak nito.
"Sa pag-ako ko at pagbigay mo sa akin itong anak mo ay... tapos na rin ang pagkakaibigan natin." Medyo nahirapan pa si Heidi sa pagsabi niyon kay Maria.
Napaawang ang labi ni Maria na nakatitig kay Heidi.
"Seryoso ka ba Heidi?" Namamasa ang mga matang tanong ni Maria.
"Seryoso ako. Bibigyan kita ng tatlong buwan para makapag-isip Maria. Kapag wala ka pang ginawang hakbang akin na si Angelo isusunod ko siya sa aking apilyedo!" Saad ni Heidi.
Napakurap-kurap naman si Maria hindi siya makatingin nang diretso kay Heidi. Tumututol ang puso ni Maria subalit kumokontra ang kanyang isipan. Napalunok si Maria tumagilid ito nang higa kay Heidi at sa bata.
"Pinal na ang desisyon ko, Heidi. Maraming salamat sa lahat-lahat." Garalgal ang boses ni Maria.
"May tsansa ka pa, Maria. Tatlong buwan, at sana hindi alam ng ama nito na nagbunga ang ginawa niya sa'yo! Dahil kapag nangyari iyon alam mong kukunin siya sa akin ng tunay na ama niya." Sagot naman bi Heidi.
Hindi sumagot si Maria alam naman niyang hindi iyon mangyayari. Dahil walang pakialam sa kanya ang ama ng batang iniluwal niya hindi siya pag-aaksayahang hahanapin. Kung talagang pinahanap siya nito sana natagpuan na siya noon pa. Isang ruthless mafia o bilyonaryo ang lalaking bumili sa kanya. Kaya makakakuha ito ng iba't-ibang babae kung gugustuhin niya. Napapikit si Maria nagkunwari itong matutulog na kaya naman tumayo na din si Heidi. Inihele at kinantahan niya ang sanggol dahil nagsimula na itong umiyak. Tila naintindihan ng sanggol ang pinag-uusapan nilang magkaibigan. Kusang nalaglag ang mga luha ni Maria naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Hinayaan niyang marinig niya ang iyak ng kanyang anak na ayaw niya sana. Dahil iyon na huli nilang pagsasama, ang huling pagkakataon na marinig niya ang iyak ng kanyang...anak na si...Angelo. Nausal ni Maria na sana paglaki ni Angelo, maintindihan niya ang kanyang ginawa. Kung iyon ay papayagan pa siya ng pagkakataon at ang Diyos na siyang nakakaalam nang lahat-lahat. At kung magkakaroon siya ng pagkakataong magkaanak ulit, sana ay maayos nang mabuti ang kanyang buhay.