Halos paliparin na ni Matthew ang sasakyan makarating lang kami agad sa bahay. May mga kinausap pa siya sa kanyang telepono na sa tingin ko ay kanyang mga tauhan at binigyan ng kani-kanilang misyon na hindi ko na nabigyan pa ng atensyon dahil tanging sa kapatid at ama ko lang umiikot ang isip ko. Sana naman ay walang masamang nangyari sa kanila. Paulit-ulit kong hiling sa isip ko kahit pa mayroon sa aking loob na nagsasabing kailangan kong ihanda ang sarili ko sa pagdating ko sa bahay. Lord... Alam ko na wala akong karapatang tumawag sa inyo sa dami ng tao na pinatay ko ngunit nagmakakaawa ako, pakiusap, huwag ang pamilya ko. Nanlalamig ang aking katawan at namamawis ang kamay ko sa sobrang kaba dulot nang sobrang pag-iisip. Ang aking paghinga ay unti-unting kinakapos habang tinatanaw