"Where are you going?" bungad sa 'kin ni Daddy nang nakababa ako ng hagdanan. Mukhang kadadating lamang nila. I roamed my eyes around the house para i-check kung sakaling narito pa ang lintang babae na 'yon. Good thing mukhang nakaisip na ring umalis. "Ate," masayang sambit ni Cjay at saka nagtatakbo palapit sa 'kin. May hawak siyang isang malaking box na naglalaman ng laruang kotse sa loob. Bahagya naman akong yumukod upang maabot ng kamay niya. He hugged me from my neck and kissed my cheek. "Look! Daddy bought me this!" puno ng galak niyang sabi. Napangiti nalang din ako at hinaplos ang mukha niya. "Wow. Ang ganda naman niyan, hayaan mo paglaki mo ibibili ka ni Ate nang mas malaki." Agad namang nagningning ang mga mata niya sa kasiyahan at muling nagtatakbo pabalik kay Daddy. Ma