"Ano ba at hindi ka mapakali d'yan?" nakaangat kilay kong tanong nang binalingan siya ng tingin. Nandito kami ngayon sa salas at nanunuod ng isang action movie. Kanina ko pang napapansin na hindi siya mapakali, panay ang pagkilos niya at wala ang atensyon sa pinanunuod na palabas. It's been two days since I made Deynize fell asleep. Pinabuhat at pinadala siya ni Matthew kay Vexxon pauwi sa bahay niya. Mula rin ng araw na 'yon ay hindi na muli siya sumubok magpakita sa amin o ni kay Matthew man lang. Mukhang natakot ang gaga. Dapat lang dahil lason na talaga ang isusunod kong ipakain sa kanya. He bit his lower lip and hugged me from my waist. Matthew groaned and buried his face on my neck like he don't know how to start speaking. "Spill it, Laqueza," inis kong wika dahil kanina pang