CHAPTER TWENTY Time is so fast. Yun ang description ko sa araw na ito. Pagkatapos kasi naming kumain ay nakatulog ako at nagising lang ako sa malambing na yakap ni Reeve. "Wake up, Baby..." Malamya niyang sabi. "Mmmm.." Nakapikit pa rin ako dahil sa antok. Masyado kaming nagiging close ng kama at parang hinihila nito ang mga mata ko na pumikit ulit. "Its already 3'o clock. May pupuntahan pa tayo..." Sabi ni Reeve at naramdaman kong lumayo siya ng kaunti sa akin. Parang gusto kong umapela dahil mas gusto ko na nakayakap siya sa akin. Pakiramdam ko ay inaantok ako lalo. At saan namin kaya kami pupunta? "Saan?" Tamad na humiga ako ng ayos sa kama at minulat ang mga mata ko. Nagsisi akong iminulat ko ang mata ko dahil naaakit ako sa lalaking ngayon ay nakaupo na sa kama at matama akong