CYDI WALA akong pagpilian kundi tawagan si Uncle Josh at makipag meet sa kanya. “Pards, daan muna tayo sa bahay ni Uncle Josh, may mahalagang bagay lang akong ipapakiusap sa kanya.” “Siya ba ang tiyuhin mong navy seal?” “Yeah, halika na.” “Okay, Pards.” Pagdating namin sa mansyon ni Uncle Josh, kita ko sa mukha ng kaibigan ko ang pagkagulat. “Parads, ang yaman pala ng tiyuhin mo.” “Ahm… yeah, kalika pasok na tayo sa loob.” nakita ko sa kaibigan ko kung paano siya humanga sa loob ng bahay ni Uncle Josh. “Cydi, Hijo, naroon sa poolside ang tito mo, puntahan nyo na lang doon.” “Opo, Tita Eloiza, kaibigan ko po si Lester John Martin.” “Kumusta, Hijo?” “Ayos naman po, Ma’am…” “Call me Tita Eloiza, ‘di ba kaibigan ka ni Cydi?” “Opo, T-Tita Eloiza.” nahihiyang sagot ng kaibigan ko.