CRAINE NARITO ako sa rooftop ngayon, kalalabas ko lang mula as operating room. Sobra ang pagod ko kaya sumandal at pumikit ako sa bench na naroon. Ngunit agad din napadilat ng maramdaman may tao sa paligid. Luminga ako pero wala naman akong makita. Siguro ay dala lang ng aking pagod kaya kung ano-anong napasok sa aking isipan. Muli akong pumikit upang ipahinga ang aking mga mata nang nakaamoy ako ng men’s perfume. “Anong ginagawa mo dito sa ganitong oras ng gabi?” tuluyan akong nag mulat ng mata sabay tayo. Ngunit hinawakan niya ako, akmang hihilahin ko ang aking braso ng bigla niya akong yakapin. “Let me go!” sabay tulak ko sa katawan niya ngunit hindi man lang ako binitawan. “Listen to me, bakit ka nagsinungaling sa kanilang lahat?” “Anong kasinungalingan ang narinig mo na sinabi