CRAINE ISANG email ang aking natanggap mula sa hindi ko kilalang sender. Hindi ko sana yon papansinin ng makita ang mga picture ni Cydi. Paulit-ulit kong binasa ang mensahe. “Arci, tingnan mo ito.” pagkatapos ay inabot ko nag laptop ko sa kanya. Agad naman binasa yon ng kaibigan ko. “Trap ito kaya huwag kang maniwala. Isa pa bakit bigla ka yata naging interesado sa lalaking yan?” nagdududa ang tingin binigay sa akin ni Arci. “Syempre ama siya ng aking anak, kahit paano dapat may kilalanin ama si Cedric. Hindi ko man siya magawang patawarin sa mga kasalanan niya sa akin. Pero kailangan siya ng anak ko.” “Tigilan mo ako sa mga ganyang pananalita, obvious na mahalaga sayo ang lalaking yon. Bakit ko nasabi? Dahil never kang tumanggap ng manliligaw. Samantalang malaki na si Cedric kaya hu