CRAINE HINDI na ako makapaghintay ng mga sasabihin pa ni Mommy. Ang sakit sa dibdib na ang lalaking matagal kong kinakamuhian ay isang inosente. Tapos bakit kailangan ilihim sa akin ni Mommy ang lahat? Ano ang tunay niyang dahilan at hinayaan na magalit ako kay Cydi? “Princess, tama na at baka mabinat ka.” “A-Ang sakit sa dibdib mommy, hindi ko matanggap na nag-suffer si Cydi ng mahabang panahon dahil lang sa akin. Pagkatapos ano itong ginawa ko sa kanya, mas lalo ko siyang pinahirapan. “I’m sorry, Princess.” sa halip ay iba ang tinanong ko. “Iyong tungkol sa nangyari noon sa France, ano ang totoong dahilan kung bakit si Cydi nalumpo?” “Dahil sa original copy ng scandal nyong dalawa. Sapilitang kinuha niya yon nang malaman niyang napasakamay sa ama ni Jackson. Nagtagumpay siya pero m