KATRINA LIHIM kong kinausap si Yaya at Manong Nardo, alam kong loyal sila sa kakambal ko. Kaya kampante ako sa kanilang dalawa. Kailangan kong umalis dahil ilang beses nang nagbigay ng noticed ang trabaho ko. “Yaya, huwag mo na akong isipin, para na lang sa yumao kong kakambal. Please huwag na huwag kayong aalis dito ni Manong Nardo. Anuman ang sabihin ng matandang yon ay huwag nyong papansin. Walang ibang sinasamahan si Baby Aerol kundi ikaw lang kaya hindi ka paalisin ni Eros.” “Paano ako, Ma’am Kat?” wika ng nag-aalalang si Manong Nardo.” “Hindi ka magagawang paalisin ni Eros, dahil alam niyang ikaw lang ang nakakaalam mga schedule ni Aerol. Isa pa ay mag-iiwan ako ng note kay Eros, basta mangako kayo na safe si Baby Aerol.” “Paano po kung may gawin na hindi maganda ang mga tauhan