CYDI & CRAINE BALITA, patay sa ambush si Mr. Romulo Sr. kasama ang mga tauhan nito. Dahil doon ang lahat ng hirap na pinagdaanan namin ng babaeng mahal ko ay tuluyang naglaho. “Cydi, anong pinapanood mo at gabi na ay hindi ka pa natutulog?” tumabi at yumakap sa akin si Princess Craine. “Wala naman baby, nanood lang ako ng flash report. Ikaw bakit hindi ka pa natutulog dapat nagpapahinga kana lalo at pagod ka pag aasikaso sa ating anak.” “Nakatulog na ako pero nagising lang tapos wala ka. Kaya bumangon ako upang puntahan ka dito. May pinoproblema ka ba?” “Ahm… kanina tumawag sa akin si Lester John, sinabi niyang patay na siya Mr. Romulo Sr.” “Mabuti naman kung ganun, napakasama ng mga taong yon. Kaya dapat lang sa kanila ang nangyari.” “Yeah, Ahm… dito muna tayo baby. Hindi pa rin n