CYDI NAKATAYO si Pards sa gilid ko at parang may nais siyang sabihin. Kaya pansamantala ay huminto muna ako sa aking ginagawa. “Anong sasabihin mo at kanina ka pa nariyan, Pards?” “Meron kang email, galing kay Mr. Gil, importante daw.” “Okay sige, salamat.” at tinungo ko ang aking cellphone. Binuksan ko ang aking email at binasa iyon. Agad akong nag-alala kay Princess Craine. Parang hindi ko ito kayang palampasin. “Anong nangyari Cydi?” hindi ko namamalayan dumating na pala si Uncle Josh. “May problema si Princess Craine, Uncle Josh at hindi ako maaaring maging kampante lang dito.” “Hindi ka pa pwedeng sumabak sa pakikipaglaban ikamamatay mo lang, Cydi!” “Anong gagawin ko?” “Okay, ganito tatawagan ko ang dalawang kaibigan kong head sa nave seal. Ilang tao ang nais mong ipadala k