KATRINA DALAWANG linggo na ang nakalipas mula ng nagpasya akong rentahan ang isang apartment dito sa squatters. At ngayon ay naririto ako sa bahay na inuupahan ko. Walang kahit sino ang nakakaalam sa plano ko. Pero syempre binayaran ko ng malaking halaga si Baldomero upang manmanan ang bawat galaw ni Lerah Lei. Kung noon ay hinayaan ko ang babaeng yon sa kabila ng mga ginawang pagtatangka sa buhay ko. Pero ngayon ay hindi ko na palalampasin ito lalo na at nalaman ko kung ano ang nasa likod ng pagpapapanggap niya. “Ma’am Ganda, naririto ang impormasyon na kailangan mo.” agad na inabot sa akin ni Baldomero ang isang SD card. Hindi na ako magtatagal, may trabaho pa ako sa palengke. Kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako.” “Sige, salamat dito.” nasundan ko na lang ng tingin ang pal