GRAIG HINDI ko inaasahan ang malakas na sipa na tumama sa akin at kahit medyo madilim ang VIP room alam kong babae ito. Mabilis akong tumayo upang gumanti ng sipa at suntok ngunit biglang bumukas ang pintuan. “Boss, maraming pulis sa labas!” malakas na tawag ng aking spy. Kaya agad na dinampot ko ang aking jacket mula sa upuan at agad na tumakbo palabas. Hindi ako maaaring madampot ng mga pulis dahil siguradong lalantad ang tunay kong identity. Pagdating sa exit ng bar ay diretso ang aking lakad. Mabilis na kinapkap ko ang aking bulsa at dinukot ang fake identity. Saktong humarang sa harap ko ang dalawang pulis. Kaya aking pinakita ang hawak kong id. “Detective Ruiz, anong ginagawa mo dito?” “May natanggap akong tawag na naririto ang pinsan kong babae kaya susunduin ko sana pero n