CYDI NAKALIMUTAN ko na hindi sanay sumakay sa kabayo ang kaibigan ko. Hindi naman pwede na kaming dalawa ang magkasama sa isang kabayo. “Pards, binabalaan kita, huwag mong samantalahin ang pagkakataon.” “Hindi na lang ako sasama, Pards. Baka mamaya ay makagawa ako ng hindi tama sa paningin mo ay magalit ka pa sa akin.” hindi agad ako nakasagot, siguro tama ang kaibigan ko masyado akong mapag-isip ng masama sa kapwa ko. “Bakit may gagawin ka bang hindi maganda sa kapatid ko?” “Wala, alam mo kung gaano kahalaga sa akin ang pagkakaibigan natin.” “Good! Sige na doon kana sumakay sa kabayo ng kapatid ko.” sabay tulak ko sa kaibigan ko. Pagkatapos ay binuhat ko si Princess Craine at isinakay siya sa kabayo. “C-Cydi, baka mahulog ako.” nakita ko ang takot sa mukha ng dalaga kaya agad akon