KATRINA LIMANG tauhan ni Donya Martina ay nakahandusay sa semento. Hindi ko pinakinggan ang mga nais mangyari ni Eros. Sa tindi ng galit ko sa kanila ay kulang na lang butasin ko ang ulo nila. Nag mala pusa na naman ako sa bilis na tila may hinahabol na daga. Nang makapasok sa loob ng isang silid ay hinanda ko na ang aking sarili. Kung dito ako mamamatay ay tanggap ko ang mahalaga ay maipaghiganti ko ang kapatid ko sa mga tarantadong ito. “Talagang nagpapakamatay ka at pumasok ka sa teretory namin.” wika ng isang lalaki na hindi ko maaaring kalimutan ang mukha nito. Isa ito sa nasa mga litrato at USB kasama ang iba pang naroon mismo sa loob ng silid. “Handa ako sa lahat ng maaaring mangyari. Ang mahalaga sa akin ay makaganti sa ginawa nyo sa akin!” “Wow! Palaban, ano kaya kung simula