CYDI MABILIS kong inakyat ang two story house ni Jackson Romulo Jr. Sampung minuto lang ang binigay ko sa aking sarili. Dapat nagawa ko ang aking pakay bago matapos ang timer na set up ko. Inuna ko ang drawer, pero negative. Sinunod ko ang closet, ganun din wala akong makita. At ang pinakahuli ay inangat ko ang foam ng kama niya. “Isang envelope ang nakita ko doon at agad ko yong kinuha. Tinupe ko at nilagay sa aking jacket. Pagkatapos ay dinikit ko sa ilalim ng headboard ang recorder at agad kong nilisan ang lugar. Saktong nakalabas ako ng veranda ay may pumasok na sasakyan. Nais ko sanang silipin kong sino ang mga dumating pero wala na akong oras. Kaya mabilis akong tumalon sa sanga ng punong kahoy. Bumaba at tinalon ang wall palabas. Agad na tumakbo ako sa kinapaparadahan ng akin