CRAINE NAKIKINIG lang ako sa sinasabi ni Attorney. Ganito pala ang pamilya Montemayor. Totoo lahat ng mga naririnig ko tungkol sa kanila. Walang malayo o malapit na kamag-anak. Ang trato nila sa isa’t-isa ay totoong pamilya. May malasakit, pagmamahal at respeto. “Sa ngayon alam kong mahirap sayo na harapin o kausapin si Cydi. Pero ang masasabi ko lang, unahin mo muna ang maaaring maramdaman ni Cedric. Matalino ang anak nyo, pero sa ngayon mahirap pa sa kanya ang makaintindi ng sitwasyon.” wika pa niya habang nakatingin sa akin. “Tama po, Attorney, at handa naman po akong maki-cooperate kung kailangan.” “Lahat tayo bilang magulang ay nais malagay sa ayos ang katayuan ng mga anak. Kaya habang maliit pa siya sana mailagay nyo na sa tama. Alam kong hindi iyon madali. Pero tayong mga magula