CYDI HABANG patungo ako sa mga kasamahan ko ay hindi pa rin ako makapaniwala. Paanong siya ang naririto at boss namin lahat? “Tol Cydi, anong sabi ni Ma’am Crissa?” “Linisin daw natin ang malaking silid sa taas. Kaya tawagin mo ang mga walang schedule ng training sa mga oras na ito. At aakyat na ako, bilisan daw natin dahil parating nag renovation team.” “So, ibig sabihin ay tuloy na ang pagpapaganda ng lugar na ito?” “Ha? A-Anong ibig mong sabihin?” “Matagal ng naka plano ang renovation dito, pero laging ginagastos ni Madam Hot ang budget. Kaya hindi natutuloy, mabuti at matutuloy na pala.” “Ah! Okay, sige maiwan na kita sumunod agad kayo at baka mapagalitan tayong lahat.” “Okay, Tol Cydi, tatawagin ko lang sila at susunod na agad kami.” “Sige, Tol Gerry.” pagkatapos ay tinungo k