"Tash." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko ang paparating na si Keeno. Hindi ako nagsalita. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa iokupa niya iyong katabing hammock chair na katulad ng kinauupuan ko ngayon. Nandito kasi ako ngayon sa garden nitong bahay na iniregalo ni Papa at Lolo. Masasabi kong maganda ang pagkakapili ng mga halamang naririto. Tunay na nakaka-relax. At sa halip na mga concrete o wooden benches ang nakalagay, ay mga hammock chair. Alas kuwatro ng hapon, at tamang-tama lang ang temperatura sa bahaging ito. Hindi na masakit sa balat ang init ng araw. Isang araw siguro, subukan kong magtanim ng halaman dito. Baka may talent pala ako sa pagtatanim. Para mabawasan ang stress ko sa tatlong kasama ko dito sa bahay. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Keen