Hindi narinig ng Diyos ang dasal ko na akbayan ako ni Redentor. Sa halip, iyong kamay niya na masuyong nakahawak sa likuran ko ay inalis pa niya. Dahilan para mapatingin ako sa kanya. Gusto ko sana siyang sitahin kung bakit inalis niya ang kamay niya, pero nakita ko siyang masuyong nakatingin kay Leila, ang apo ni Lola Rose sa pamangkin ng asawa niyang si Lolo Israel. Agad akong nakaramdam ng inis pagkakita ko kay Redentor na nakatingin kay Leila. Kaya niya siguro inalis agad ang kamay niyang nakahawak sa akin. Gusto ko sanang ipaalala sa kanya na ako, na katabi niya, ang siyang girlfriend niya. Ngayon. Dito sa lugar na 'to. "Atasha! Long time, no see!" narinig kong sabi ni Leila, kaya muli akong napatingin sa kanya. Nagpeke ako ng ngiti. Hindi ko naman kasi siya gustong makita talag