[Flashback] "Ano ba'ng nangyari? Bakit nawala si Tatay? Imposible naman yata 'yan. Tubong San Antonio si Tatay, paano'ng mawawala siya sa lugar natin?" Iyan ang sunod-sunod na tanong ko sa mga kapatid ko, pagkalabas ko pa lang ng airport, at naglalakad kami papunta sa nakaparadang sasakyan na ipinangsundo nila sa akin. Sumakay na ako sa harapan, habang ikinakarga ni Bernie ang dala kong tatlong maleta. Si Terence ang nasa manibela, at hinihintay lang naming makasakay si Bernie. Nang sumakay na si Bernie, at humalo na sa kalye ang sasakyan naming dala, saka ako nagtanong sa kanila. "So, paano ngang nangyari? baka pwede n'yo na akong sagutin ngayon?" Nakita kong tiningnan ni Bernie si Terence sa rear mirror. Sandaling nag-usap ang mga mata nila doon. Pagkatapos ay tiningnan ako ni B