Nakatingin ako sa monitor ng laptop ko. Paulit-ulit kong binabasa ang hindi ko matapos-tapos na concept paper na ipinapagawa sa akin ni Lolo. Hinawakan ko pa ang tungki ng ilong ko, at saka masuyong hinaplos-haplos ko ito, na para bang lalabas doon ang sagot sa mga iniisip ko. Nang biglang may kumatok sa pintuan ko. Pagkatapos ng ilang sandali ay sumungaw ang ulo ni Sugar. "Mam, remind lang kita. 1pm. Monthly meeting with the ExeComm." ExeComm. Meaning ang kasama sa meeting ay ang lahat ng top heads ng bawat companies na pag-aari ng AGC. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Hindi na ba matatapos nang kami-meeting? Kaninang umaga, meeting din," reklamo ko. Kaninang umaga naman ay meeting kasama ang lahat ng Department Heads ng AGC. Pumasok na nang tuluyan si Sugar saloob ng opisina