CHAPTER 5 - KEENO ZALDIVAR

2437 Words
Calling Keeno… [“What’s up?”] “Sunduin mo si Aileen. Then meet me at Club Noah,” utos ko kay Keeno. I know. Ang demanding ko ngayon. But what can I do? I’m very upset now sa kinalabasan ng family dinner namin. [“I thought you have a family dinner tonight?”] “I had. Tapos na. Past tense.” [“I see. So, I bet hindi maganda ang kinalabasan ng dinner n’yo?”] “Exactly! Kaya nga nagyayaya ako sa bar, di ba? Sunduin mo na si Aileen. Tatawagan ko na siya while you are on the way to their house, para makapag-ready na siya. Mauuna na ako sa Club Noah. I need to divert my exasperation.” [“Okay. Huwag ka muna magpakalasing habang wala pa kami ni Aileen, ha. Wait for us. Hinay-hinay muna.”] “Ako pa ba? Mataas yata ang alcohol tolerance ko, remember?” [“Basta. Sumunod ka na lang sa sinabi ko, Atasha Ardiente. Its for my piece of mind. Isa pa, hindi ito Amerika. Paano mo ba kasi nalaman ‘yung Club Noah?”] “Uncle Emman, of course.” [“Spoiled na spoiled ka talaga sa Uncle mo.”] Halata ko ang iritasyon sa boses ni Keeno. “Dapat lang! Nag-iisa lang niya akong pamangkin." ['Basta. Don't drink too much agad. Wait for me."] "Okay, friend… susunod na po ako sa ‘yo. Takot ko lang. Pero, bilisan n’yo na ni Ai, please… ” [“Okay. I’ll get ready. Tawagan mo na si Aileen after this call, para makapag-ready na siya. Alam mo namang ang bagal kumilos nung isang iyun, eh.”] “Right away, my friend! See you later!” Nakangiting ibinaba ko na ang tawag ko kay Keeno. Pangiti-ngiti lang ako, pero naiinis pa rin ako sa nangyari sa dinner namin. Hinanap ko ang pangalan ni Aileen sa phone book ng phone ko, at saka tinawagan ito. Calling Aileen… [“Hello, bru!”] “Get ready, dadaanan ka ni Keeno ngayon.” [“Dito sa bahay namin?”] “Alangan namang sa bahay namin, Ai?” [“Ang sungit naman!”] Napatirik ang mga mata ko. “Common sense naman kasi, Ai. Inis na nga ako ngayon, dinadagdagan mo pa.” [“Uy… ano’ng nangyari sa family dinner n’yo?”] “If you really want to know the whole story, ready your ass now. I will wait for you at Club Noah. Doon ko na lang ikukuwento sa inyong dalawa ni Keeno. Para isang litanyahan na lang.” ["Ano ba 'yan? Nambitin pa!"] "Eh, kung kumikilos ka na kaya? Mag-ready ka na para pag dating ni Keeno, aalis na agad kayo. [“Okay, fine… Mukhang namana mo na ang pagiging dragon ng Lolo Gener mo, ah,”] “Don’t compare me to him. Walang puso ang taong ‘yun. Ako, meron pa naman.” [“Okay, bye na. Baka si Keeno naman ang magalit sa akin mamaya.”] "Buti alam mo." LUMINGON ako sa gawi ng entrance ng bar. Wala pa rin akong nakita na Aileen at Keeno, o kahawig man lang nila. Twenty minutes na akong nakaupo dito sa stool chair sa harap ng bar counter, at wala pa rin ang dalawang kaibigan ko. Bumaling ako sa bartender. "One more Negroni, please," sabi ko, sabay lapag ng basong hawak ko. Pangatlong order ko na ito, pero wala pa rin iyong dalawa. Tumalikod sa akin ang bartender, at sinamantala ko iyon para kunin ang cellphone ko sa dala kong pouch bag. Tiningnan ko kung may text or miss call ba kung sino man kina Aileen o Keeno. Pero ang nakita ko sa halip ay miss call mula sa Papa ko at isang text mula kay Mama. From: Mama Atasha. You do not walk out like that with the Chairman. You better call him and make amends. Nakasimangot na isinara ko na ang phone ko. Chairman. That's how they address Lolo Gener. Very business-like. Si Mama, si Papa, Pati na rin si Uncle Eman at Tito George. Haler? Lahat na lang ba ng bagay sa pamilya namin ay umiikot sa pagiging Chairman ni Lolo at ng mga negosyo ng mga Ardiente? Lolo Gener is already eighty-two years old. Pero siya pa rin ang batas sa pamilya Ardiente. Kung ano'ng sabihin niya at iutos niya ay walang makakabali. Dinampot ko ang bagong lapag na baso ng Negroni, at saka uminom mula doon. Ibinaba ko sa bar counter ang baso, at saka malalim na humugot ng hininga. I hate being an Ardiente! Sino ba ang magkakagusto sa buhay na meron ako? Kung papipiliin, I'd rather choose a simple life, and not this boring life of mine. It sucks! "Hi, beautiful!" Napalingon ako sa nagsalita. Yeah, I know I am beautiful. Pero hindi kasi pamilyar sa akin ang boses nung nagsalita. The man beside me is oozing with s*x appeal. Nakasuot ito ng dusty blue na long sleeves na itinupi niya hanggang sa siko niya. Masasabi kong maganda siyang magdala ng damit. Not lousy. What makes him more attractive is his deep set eyes. Ang kanyang ilong ay hindi katangusan, pero hindi naman masagwa. Kapag tiningnan mo siya ay ang mga mata niya ang una mong mapapansin. Bumaba ang tingin ko sa nakangiti niyang mga labi. Napakapula nito, at ang agad mong maalalala ang kulay ng isang pulang-pulang mansanas. "Are you alone? Care if I join you?" tanong nito, at mabilis na nakalapit sa akin. Naramdaman ko na lang ang mainit na palad niya sa likuran ko. Bahagya akong lumayo, para mailayo ko ang katawan ko sa pagkakahawak niya. "Excuse me?" sabi ko sa kanya. I know he's good looking, pero kasama sa itinuro ni Mama na huwag akong mag-entertain ng mga tao na kung saang lugar ko lang nakilala. After all, isa akong Ardiente. "Whoah!" nakangiti niyang sabi. "Atasha!" Napalingon uli ako sa tumawag sa pangalan ko. Nakita kong nakatayo si Keeno at Aileen sa likuran nitong lalaki. Nagmamadaling naglakad si Keeno papunta sa puwesto ko. "Is he pestering you?" Iyon agad ang unang itinanong ni Keeno sa akin. Nagpunta lang naman ako dito sa bar para maglabas at magpalipas ng sama ng loob. Ayaw ko namang mapaaway pa si Keeno lalo na nang dahil sa akin. "Okay lang, Keeno. Hanap na lang tayo ng mesa," sagot ko, at saka nag-umpisa na akong bumaba mula sa stool na kinauupuan ko. Mabuti naman at hinayaan na lang kaming makaalis nung lalaki. Habang naglalakad palayo sa kanya ay naisipan kong lingunin siya. Nakita kong nakatayo pa rin ito sa lugar na pinag-iwanan namin sa kanya, at nakatingin pa rin sa amin. Agad akong nagbawi ng tingin, at nagpahila na kay Keeno. Naglakad pa kami ng konti hanggang sa umakyat kami sa isang hagdan. Inalalayan ni Keeno kaming dalawa ni Aileen, hanggang pumasok kami sa isang VIP room doon. "May ginawa ba sa iyo 'yung lalaking 'yun?" tanong agad ni Keeno pagkaupo naming tatlo. Inilapag ko ang dala kong pouch bag sa ibabaw ng center table na naroroon. "Wala. Nakikipagkilala lang." Marahang tumango si Keeno. "Oh, Tara na. Order na tayo, para magkalakas na ng loob na magkuwento si Atasha," masigla namang sabi ni Aileen. Bumaling sa kanya si Keeno. "Uhaw na uhaw ang bahay alak, noh?" pang-aasar sa kanya ni Keeno, na sinagot ni Aileen ng matalim na irap. "Haler? Ano naman ang gagawin natin dito sa bar, kung hindi naman tayo iinom ng alak?" ganting sagot naman ni Ai. "Hindi pa kayo lasing na dalawa, nag-aaway na kayo," sita ko sa kanilang dalawa. Muling inirapan ni Aileen si Keeno. Ganun din ang ginawa ni Keeno kay Aileen. "Keen, mag-order ka na ng gusto n'yo. May Nachos ba sila dito? Parang na-miss kong kumain nun," utos ko. Agad namang sumunod si Keeno sa akin. Pinindot niya ang tila buton sa isang bahagi sa gilid ng dingding ng kuwartong kinaroroonan namin. Hindi nagtagal ay may kumatok sa labas ng pintuan, at pumasok na isang lalaki, halos kasing-edad din namin ito. Base sa uniform na suot niya, malalaman mo agad na isa siya sa staff nitong bar. Sumulyap sa akin ito, pero mabilis ding nag-iwas ng tingin. In fairness, may itsura itong staff na ito. Hindi mo akalaing tagakuha lang ng orders dito sa bar. "I will take your orders, Mam… Sir." Hinayaan ko na lang na si Keeno na ang mag-order. Sa tagal naman naming magkakasama at lumalabas, alam na niya ang mga oorderin niya. Kinuha ko uli ang phone ko sa pouch bag ko, at saka nag-browse sa isang branded na online shop. Outlet ko ang pagsa-shopping dito sa online store na ito kapag naiinis ako. Pakiramdam ko, it helps me to calm. Nag-log-in din ako sa social media account ko, nakatihan ko kasing mag-shoutout ngn nararamdaman ko ngayon. Life sucks… Satisfied pa akong napangiti habang paulit-ulit na binabasa ang tinipa kong mga salita. Narinig ko na lang na nagpaalam na iyong staff na kausap ni Keeno, kaya nag-angat ako ng mukha at saka tumingin sa kanya. Sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palabas ng kuwarto namin. Kaya nahuli ko ang pagsulyap niya sa akin, bago siya lumabas ng kuwarto namin. "So? What happened sa pa-welcome dinner ni Atasha Ardiente?" narinig kong tanong ni Aileen Nilingon ko si Aileen, at saka sumimangot. "Lolo is expecting me sa AGC in five days. He wants me to start working ASAP." "What? Paano 'yan? I thought you are planning to travel sa mga tourist destinations dito sa Pinas?" "Kaya nga. Naka-plano na lahat ng travels nating tatlo for the incoming months." Lalo pa akong sumimangot, nang maalala ko iyong ginawa kong destination travels naming tatlong magkakaibigan. "Bakit ako nasama diyan?" "Of, course!" Sabay naming sabi ni Aileen kay Keeno. "Hindi ka na nga namin nakasama sa States, eh," nagmamaktol na sabi ni Aileen. "Kailangan nga kasi ako dito ng pamilya ko," paliwanag ni Keeno. "We knew that. Kaya nga ngayong kumpleto na tayo, dapat sama-sama na uli tayong maglalakwatsa," sabi ko naman. "Tsk!" Tanging nasabi ni Keeno. Hindi ko alam kung pumapayag na ba siya o ayaw niya sa plano namin ni Aileen. "Ako nang bahala kay Tito Marco at Tita Clariz. Ipagpapaalam kita sa kanila. Malakas kaya ako sa kanila!" Pagyayabang ko pa. "Hindi na, Atasha…" "Wait, meron ka bang hindi sinasabi sa amin ni Ata?" putol ni Aileen kay Keeno. Nagtataka naman ako. Ano ba iyong pwedeng dahilan para hindi sumama si Keeno sa lakad namin? "Wait, Keeno. May girlfriend ka na ba kaya hindi ka na pwedeng sumama sa lakad natin?" tanong ni Aileen. "Ha? Wala! Wala pa akong girlfriend…" Mataman kong pinagmasdan ang kaibigan ko. Mga bata pa lang kaming tatlo ay hindi na kami mapaghiwalay. Guwapo si Keeno. Bumagay sa kanya ang kulot niyang buhok, at ang hugis almond niyang mga mata. Idagdag pa ang malalantik njyang pilikmata. Medyo may kakapalan ang kanyang mga labi na bumagay naman sa kanya. Ganun din ang kilay niya. Makapal ito, pero nakadagdag sa masculine aura niya ang kapal nun. Pero parang wala akong matandaan na naging girlfriend ni Keeno mula pa noon. Hindi kaya… "Keeno?" Nilingon ako ni Keeno. Sakto namang may kumatok uli sa pintuan. Pumasok uli iyong lalaking staff na kumuha ng orders namin kanina. Muli itong sumulyap sa akin, at saka nagbawi ng tingin nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. Dere-derecho ito sa center table, at saka nilapag ang mga dala-dala niya doon. "Are you asking me a question, Ata?" Ibinaling ko ang tingin kay Keeno. "Yeah. Itatanong ko lang sa 'yo kung bakit parang wala kang nililigawan?" Pagkatanong ko nun kay Keeno ay binalingan ko iyong plato ng Nachos sa mesa, kaya hindi sinasadyang nadaanan ko ng tingin iyong staff nitong bar. Nahuli kong nakatingin na naman ito sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko. Ano ba kasing meron? "Required ba 'yun? Eh, sa wala pa, eh," sagot ni Keeno, sabay dampot ng bote ng alak sa mesa, marahil para iwasan ang iba pang tanong sa kanya. "Guwapo ka naman. Talented. Masipag. And–" "Illegitimate." Natigil ako sa sasabihin ko pa. Bukod sa salitang binitawan ni Keeno, ay may nahulog din sa lapag na sanhi ng ingay. Nakita ko na lang na pinupulot nung staff ang dala niya kaninang tray. "Sorry po. Nabitiwan ko." Iyon lang ang sinabi niya, tapos ay muli siyang sumulyap sa gawi ko, bago tumalikod na at naglakad palabas ng kuwarto namin. This time, medyo naaalibadbaran na ako sa kanya. Hindi lang iisang beses ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin mula nang dumating kami dito sa VIP room. Nang tuluyan nang makalabas ng kuwarto namin iyong staff ay binalingan ko uli si Keeno. After all these years, akala ko okay na si Keeno sa issue niya na 'yun. Tito Marco is Papa's best friend. Tito Marco and Tita Clariz were a product of arranged marriage. May totoong girlfriend si Tito Marco, si Tita Leonisa, who was Keeno's Mother, at siya talaga ang true love ni Tito Marco. Kasal na si Tito Marco at Tita Clariz, pero tuloy pa rin pala ang relasyon ni Tito Marco kay Tita Leonisa, that's why nabuo si Keeno. Maybe it was fate. Tita Leonisa died while giving birth to Keeno. Excessive bleeding. Ni hindi na sila nagkitang mag-ina. Tinanggap naman ni Tita Clariz si Keeno sa bahay nila nang iuwi siya ni Tito Marco doon. Katwiran niya, wala namang kinalaman si Keeno sa mga nangyari. "Keeno, ano na?" "What?" "Answer us, Keeno. Nagka-girlfriend ka na ba? O may niligawan ka? Atasha is right. Wala rin akong nabalitaan na pinormahan mo kahit noon pa. How about nung nagpunta kami ni Ata sa Amerika?" Tumungga muna si Keeno ng alak, bago nakangiting sumagot. "Malay n'yo naman. Baka may gusto akong pormahan. Naghihintay lang ako ng tamang timing. Nag-aalala kasi ako na baka big deal sa kanya na illegitimate child ako…" "And so? Eh, ano naman kung illegitimate ka? Kabawasan ba iyon sa pagiging tao mo?" tanong ko sa kanya. "Yeah. So what?" segunda naman ni Aileen. Umiling lang si Keeno sa amin. "Kami ni Ata, we don''t care if legitimate or illegitimate ka pa," dagdag pa ni Aileen. Ngumisi si Keeno, bago tumungga uli mula sa bote ng alak na hawak niya. "Idaan na lang natin sa inom 'yang topic na 'yan," sagot ni Keeno, at saka kami inabutan ni Aileen ng tig-isang bote. Tinanggap ko iyong bote ng alak na inabot ni Keeno, pero palaisipan pa rin sa akin kung sino kaya iyong babaeng balak pormahan ng kaibigan namin. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD