Ipinusod ko ang humahaba ko na uling buhok. Medyo matatagalan pa siguro bago siya bumalik sa original na kulay niya, dahil pinakulayan ko nga siya ng itim nung nasa Trinidad ako. Mas naiinip pa nga yata sa akin si Red sa pagbalik ng kulay niya kaysa sa akin. Pinili ko ang isang light pink na kulay ng lipstick at saka idinampi sa mga labi ko. Konting-konti lang ang ang inilagay ko dahil ayaw ni Red na naglalagay ako ng make-up sa mukha. Naglagay lang din ako ng konting blush on para naman magkakulay ang mukha ko. Nililigpit ko na ang blush on make-up, nang bumukas ang pinto at pumasok si Red. "What's taking you so long, my queen?" My queen na ang tawag niya sa akin dahil meron na raw bagong may-ari ng endearment niyang my princess. Si Amethyst. Bigla kong dinampot ang isa sa mga bote