Mula nung dinner ng bisperas ng Pasko, wala nang nagtangkang magbukas uli ng topic tungkol sa lovelife o soon-to-be-lovelife ko. Napansin kong parang iniiwasan din akong kausapin nila Mama, Papa at Uncle Eman. O, ako ba ang umiiwas sa kanila? Whatever. Masama pa rin ang loob ko kay Lolo. Hindi ko pa rin matanggap iyong sinabi niya. Bibigyan ako ng fiance? Ano 'yun? Parang pa-car plan lang ng kumpanya? Magtataka pa ba sila na no boyfriend ako since birth? Eh, bata pa lang ako, wala na akong ginawa kung hindi ang sumunod sa mga gusto nilang ipagawa sa akin, na para daw sa kapakanan ng mga Ardiente. Naranasan ko namang makipag-date nung nasa Amerika kami ni Aileen. Gumimik, mag-bar. Makipag-flirt nang konti. Pero hindi ko kayang makipag-make-out, mas lalo na ang all-the-way. Pero siguro