"Kasi my princess... ikaw ang gusto kong kainin." Hinampas ko si Redentor sa dibdib niya. "Aray, princess!" "Ikaw... pa-fall ka, eh. Puro ka ganyan, tapos di mo naman itutuloy. Huwag ka na lang magsalita kung hindi mo gagawin. Nakakainis ka na eh. Hindi ko tuloy alam kung pinaglalaruan mo lang--" HIndi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang sakupin ni Redentor ang mga labi ko. Siyempre, hindi na ako kokontra. Eto na nga eh. Ginawa na niya. Umangat ang kamay ko sa ulo niya. Subukan niya lang huminto at kakabigin ko ang ulo niya pabalik. Sa paraan ng paghalik niya sa akin, mukha siyang sabik na sabik, at hindi ko dapat siya pinagdudahan kanina. Bilang pambayad sa pagtatampo ko sa kaniya kanina, tinugunan ko rin ng parehong init ang mga halik na ibinibigay niya sa akin. B