CHAPTER 45 - TWENTY "F" DAYS

2057 Words

Tinatamad na bumaba ako ng kama ko, at saka ako patamad ding naglakad papunta sa pintuan ng penthouse ko. Kung sino man ang nasa labas nun, daig pa niya ang may emergency kung makapindot ng doorbell. Pagbukas ko ng pintuan, nakita ko ang nakapameywang na si Aileen. "Ai." Tumaas ang kilay ni Aileen. "Ano'ng Ai? Ai na pangalan ko? O, 'Ay, ikaw pala?" Ginulo ko ang buhok ko. "Both," at saka ako tumalikod na sa kanya. Hinayaan ko lang na nakabukas ang pintuan. Bahala siya kung papasok siya o aalis na siya. Tumuloy ako sa CR malapit sa kusina. Nagmumog ako, saka naghilamos. Bahagya pa akong nagulat nang narinig ko ang boses ni Aileen sa likod ko. "So, ano? Ata? Magda-drama na lang tayo? Ilang araw ka na raw na hindi pumapasok, sabi ni Asukal. Hindi pa ba tapos ang pagmo-moment mo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD