CHAPTER 61 - THE DEATH OF ME

2076 Words

Binalingan ko si Redentor. "'Yan ang Papa at Mama ko." Ako na ang nagsara ng bintana, pinindot ko ang buton na nasa tabi ko. Pagkatapos ay muli kong binalingan si Redentor. "Tara na, bumaba na tayo." Akmang bababa na ako ng sasakyan ko, nang pigilan ako ni Redentor. "Sandali. Ako muna ang bababa. Hintayin mo ako diyan," sabi niya, pero parang hindi ko masyadong naintindihan kung baklit. Mabilis siyang nakababa ng sasakyan. Sinusundan ko siya ng tingin habang naglalakad siya papunta sa gawi ko. Kung hindi ko lang alam na mahirap lang ang taong ito, pwede siyang mapagkamalan na isang modelo sa klase ng paglalakad niya. Ikaw naman, Atasha... siyempre, nagpapa-impress sa Mama at Papa mo iyong tao. Nakatingin kasi sila, oh! Awtomatikong napatingin ako sa kinatatayuan nila Mama at Pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD