One week has passed, and it's Friday again. And I am still busy with the concept paper Lolo instructed me to do. "Come in!" malakas na sabi ko, habang patuloy pa rin ako sa pagta-type sa laptop ko. Alin naman sa dalawa ang tiyak na bisita ko sa labas. Si Sugar o si Levi lang 'yan. "Mam, coffee break muna?" tanong ni Sugar, habang nakasungaw ang ulo niya sa pintuan. Saka ko lang inihiwalay ang mga mata ko mula sa screen ng laptop, para tingnan si Sugar. "Nice idea, Sugar." Hinilot-hilot ko pa ang batok ko na mukhang nangawit na sa maghapong nakatutok lang ako sa laptop ko. "Okay, Mam," nakangiti namang sagot ni Sugar, na may kasama pang pagmuwestra ng mga daliri niya. Agad ding umalis si Sugar, sinamantala ko naman 'yun, at saka sumandal ako sa sandalan ng swivel chair ko. Ipini