Hanggang ngayon ay gulung-gulo pa rin ako. Hindi ko alam kung totoo ang mga sinabi ni Tatay. "Doktora, may possibility ba na totoo ang mga sinabi ni Tatay? Para kasing hindi ako naniniwala na totoo ang mga 'yun." Ngumiti si doktora. "Mahirap sabihin kung totoo iyon o hindi. Ang taong nagsa-suffer sa Alzheimer's ang nakakaalam nun, kasi siya lang ang nakakaalam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Now, if you want to check the veracity of his statements, maybe you can undergo a DNA test. Kung iyon lang ang makakapagpatahimik sa isipan mo, go. Kasi, you only have two choices. The other one, is to find your Mother, at tanungin siya kung totoo nga ang mga nalaman mo," mahabang paliwanag ni doktora. Dahan-dahan akong nagbuga ng hangin. "I understand, doktora." "If you want, may kilala a