CHAPTER 7 - MABUTI NAMAN

2369 Words
"Ata, bakit mo ko iniwan sa kuwarto natin? Huy! Ata!" Nagising ako sa paghampas ng unan sa katawan ko. Unti-unti akong nagdilat ng mga mata, at nakita ko ang nakasimangot na si Aileen. Napakurap-kurap pa ako. Iniwan? Tumihaya ako ng pagkakahiga, at saka bumaling sa kabilang side ng kama. Nakita ko doon ang tulog din na si Keeno. Natampal ko ang noo ko. Dito na pala ako nakatulog sa kuwarto ni Keeno. "Bakit kayo tabing natulog ni Keeno?" tanong ni Aileen. "Sorry, Ai... nagpatimpla kasi ako ng kape kay Keen kaninang six. HIndi ko namalayan na dito na pala ako nakatulog." Kinusot ko ang mga mata ko, para matanggal ang anumang dumi. "Ano'ng oras na ba?" tanong ko kay Aileen, sabay bumangon na ako. Umupo muna ako sa kama, habang sinisinop ko ang buhok ko. "Hmp! Nine A.M. na po. Nagrereklamo na 'yung mga sawa ko sa tiyan." Tiningnan ko si Aileen. Nakasimangot nga ito. "Breakfast na tayo," deklarasyon ko. "Wala ba tayong itinerary ngayon dun sa travel agency?" "Wala. Free time natin today." "Good. Tara na. Breakfast na tayo. Tapos maglublob tayo sa pool nitong resort." "Eh, 'yang katabi mo? Hindi nagigising, ah! Mukhang puyat na puyat." Inginuso pa ni Aileen ang tulog na tulog na si Keeno. Nilingon ko si Keeno. Mukha ngang hindi man lang niya namamalayan ang pag-uusap namin ni Aileen. "Keen..." pagtawag ko sa kanya. Hinawakan ko pa siya sa balikat, at saka bahgyang niyugyog. Bahagya itong umungol. "Keen. Wake up. Breakfast na tayo," sabi ko pa sa kanya. Pero umungol lang uli ito. "Keeno! Gutom n talaga ako!" inis na sabi ni Aileen. Nagkamot pa ito ng ulo niya na parang bagot na bagot na. Dinampot ko iyong unan na ginamit ko, at saka ako tumayo sa ibabaw ng kama, sa ibabaw ni Keeno. "Ayaw mong gumising ha..." Ubod lakas kong inihampas sa katawan ni Keeno ang unan na hawak ko, dahilan para malakas siyang mapaungol. "Ayaw mo pa rin?" Hinampas ko pa uli sa kanya iyong unan. This time, sinubukan nang salagin ni Keeno ang unan. Pero hindi ko siya tinantanan ng paghampas ng unan. Kaya ang ginawa niya ay kinuha niya ang unan na gamit niya, at lumaban sa akin ng hampas. Kung saan-saang parte ng mukha at katawan ako tinatamaan ni Keeno, pero rule kasi naming magkakaibigan na bawal ang mapikon. Pareho na kaming nakatayo ngayon ni Keeno sa ibabaw ng kama, at tuwang-tuwa sa p*******t namin sa isa't isa. "Huy!!! Paano naman ako? Wala akong unan, hindi ako maka-join sa inyo..." nagmamaktol na sabi ni Aileen, na nasa ibaba pa rin ng kama. Bigla kaming napahinto ni Keeno, at saka makahulugan kaming nagtinginan. "Unan daw," sabi sa akin ni Keeno sa akin, sabay kiling ng ulo papunta sa direksiyon ni Aileen. "Eh, di ibigay ang hilig. Unan lang pala, eh!" nangingiting sagot ko kay Keeno. "'Ge." Tumango si Keeno bilang hudyat, at saka sabay naming sinugod si Aileen. Nanlaki ang mga mata ni Aileen, sabay sa pagbuka ng bibig niya. "Hoy! Ano'ng gagawin n'yong dalawa? Wait!" Agad tumakbo si Aileen sa kabilang panig ng kama. "Keeno! Ata! Stop!" "Gusto mong mag-join, di ba?" nakangiting sabi ko kay Aileen, habang hinahabol ko siya. Hindi napansin ni Aileen na naka-ikot na sa likuran niya si Keeno. "Attack, Tash!" narinig kong sabi ni Keeno, kaya itinaas ko ang hawak kong unan, inihanda na sa paghambalos kay Aileen. Naunang umatake si Keeno, kaya sumunod na lang ako. "Aray! Ano ba!" pagrereklamo ni Aileen sa ginagawa naming pag-atake sa kanya ni Keeno, habang kaming dalawa naman ni Keeno ay panay ang tawa namin sa aming ginagawa. Sinubukang salagin ni Aileen ang mga atake namin sa kanya ni Keeno, pero outnumbered namin siya kaya wala siyang magawa. Hanggang sa maisip niyang agawin na lang sa amin ni Keeno ang mga unan na pinanghahampas namin sa kanya, pero hindi niya magawa. Kaya ang ginawa niya ay sinalag niya ang mga hampas namin. Pero siyempre, two is better than one, kaya napaupo na lang sa pagod si Aileen. "Tama na! Stop! Ayoko na!" pagsuko ni Aileen, hanggang sa mapa-upo na siya sa lapag. Tumigil na ako sa paghampas sa kaniya, kasi hindi ko na mapigilan ang pagtawa ko. Pero si Keeno ay tuloy pa rin sa ginagawa niya. "Keeno! Stop na kasi!" pigil ni Aileen sa kanya, sabay salag sa unan. Pero patuloy lang si Keeno, habang tumatawa. "Tuwang-tuwa? Ha, Keeno? Sadista lang ang peg?" Kanina pa rin ako natatawa sa kanila. Para lang kaming bumalik sa pagkabata. Ganitong-ganito rin kami noong mga bata pa kami. Saka lang tumigil si Keeno sa paghampas niya kay Aileen. Natatawang napaupo si Keeno. Napasandal pa siya sa pader, habang hindi mapigilan ang pagtawa. Hiningal na nga siya sa kakatawa niya. "Happy? Happy na 'yan?" sarkastiko na tanong ni Aileen sa kanya, habang nakasalampak pa rin sa lapag, at gulo-gulo ang buhok. Muli akong natawa, dahil sa inakto na iyon ni Aileen. Oh my! Kailan ba ako huling tumawa nang tulad nito? Walang problema, walang pinoproblema, walang iniisip na pwedeng problemahin. How I missed those days! Hanggang sa biglang may malakas na tunog na nakapagpatigil sa pagtawa namin ni Keeno. Nagkatinginan kaming tatlo. Ilang sandali kaming natahimik, habang nagpapalipat-lipat ang mga tingin namin sa isa't-isa. Hanggang sa hindi ako nakatiis at hinawakan ko ang tiyan ko. "Sorry... gutom na rin ako." Si Aileen ang unang tumawa, na sinundan namin ng tawa rin ni Keeno. Hanggang sa para kaming mga baliw na tumawa lang nang tumawa. Mayamaya ay tumayo na si Keeno sa pagkakaupo niya sa lapag. "Mag-ready na nga kayong dalawa. Kumain na tayo sa baba, derecho swimming na. Baka mamaya, masamang hangin na ang maamoy natin dito sa kakatawa." Sa halip na bumangon, nahiga pa lalo si Aileen sa lapag. "Hayyyy... napagod na ko. Nawala na 'yung gutom ko," may pagrereklamo na sabi pa ni Aileen. "Oo nga, katamad na tuloy umalis," segunda ko pa. "Ayaw n'yo kumilos ha... teka nga..." Tumayo si Keeno, at saka tumalikod sa amin ni Aileen, pagkatapos ay ini-usli niya ang puwitan niya. "Oy, Keeno! Stop! Kadiri ka!" sabi ko sabay tayo na ako. "Yuck! Kadiri si Keeno!" reklamo naman ni Aileen, na mabilis na nakatayo mula sa pagkakahiga. Magkasunod na kaming tumakbo ni Aileen papunta sa pintong nagdudugtong sa kuwarto namin at ni Keeno. "Kadiri ka, Keeno!" sigaw namin ni Aileen habang tumatakbo palayo sa kanya. IBINABA ko ang aviator shades ko sa mata galing sa ulo ko. Medyo mataas na ang araw kaya nakakasilaw na. Nandito kaming tatlong magkakaibigan sa may pool side. Sobra kaming nabusog sa libreng buffet-style na breakfast dito sa resort, kaya wala pang may gustong lumublob na sa pool. Ako, personally, parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. "Ata." Tinatamad akong sagutin si Aileen, dahil sa sobrang busog ko, kaya ungol lang ang isinagot ko sa kanya. "Ata! Idilat mo kahit 'yung isang mata mo lang!" pangungulit ni Aileen. Kahit naiinis ako sa pangungulit ni Aileen, wala akong nagawa kung hindi sundin ang request niya, bilang isang mabait na beshy. Tinatamad na idinilat ko iyong isang mata ko doon sa side niya. Nakita kong nakatingin na agad sa akin si Aileen. Nahulaa siguro ni Aileen na nakadilat na ako, dahil sa munting paggalawa ko, kaya agad na may inguso siya sa bandang unahan. "Sino ba 'yun?" wala sa loob na tanong ko. Sa ikinikilos ni Aileen ngayon, paniguradong may nakita siyang male human species na pumukaw ng atensiyon niya. Tuluyan na akong nagdilat ng mga mata, at saka tumuwid ng upo, para mabistahan kong mabuti iyong inginunguso ni Aileen. "Five o'clock," narinig ko pang sabi ni Aileen kaya sinunod ko iyong direksiyon na sinabi niya. Still with my shades, nakita ko doon ang isang pamilyar na lalaki na may kausap na mga grupo ng kalalakihan. Nangingibabaw ang kaguwapuhan ng pamilyar na lalaking iyon sa kanilang lahat. "Di ba, si Zyrus Samaniego 'yan?" sabi ni Aileen, kaya napatingin ako sa kanya. Ang bruha, halos tumulo na ang laway sa tinitingnan niya. Muli akong nagbaling ng tingin doon sa lalaki. Pinagmasdan ko siya. Matangkad ito, katulad din ng ama niyang si Chad Samaniego. Parang mas matangkad pa nga siya, eh. Mestiso siya. Pero kung pagmamasdang maigi, halata mo na may foreign blood siya kaya ganoon ang balat niya. "Yup! And the owner of this resort," sagot ko sa tanong ni Aileen. "Talaga ba? Sinadya mo bang dito mag-book sa resort na 'to,? Alam mo sigurong nandito si Zyrus, ano?" Tiningnan ko si Aileen. "Nope. Hindi ko sinadyang dito mag-book. Oo, I know that the Samaniego's own this resort, pero eto kasi ang most recommended place dun sa booking app." "Ang guwapo, ano? Tara! Lapitan natin. Magpakilala tayo! Malay mo... ma-type-an niya ako," excited na sabi ni Aileen, na may kasama pang pag-aayos ng buhok niya. Nilingon ko si Aileen, at saka ko inalis ang shades ko. Sinadya kong alisin ang shades ko para paningkitan siya ng mga mata. "Okay ka lang? Engaged na 'yang tao, 'noh," sabi ko sa kanya. Nagkibit-balikat si Aileen. "So what? Hindi ko naman aagawin. Gusto ko lang makipagkilala." "Okay. Kapag nakipagkilala ka na kay Zyrus Samaniego, what's next?" "Ummm... wala lang." "So, manahimik ka na lang diyan," muli kong ibinalik ang pagkakasuot ng shades ko, at saka isinandal ang ulo ko sa lounge chair, "huwag mo nang sayangin ang oras natin." "Mag-behave nga kayong dalawa diyan." Nilingon ko si Keeno, pero hindi siya nakatingin sa aming dalawa ni Aileen. Nakasandal din siya sa lounge chair, at straight lang ang ulo niya. May suot din siyang shades sa mga mata niya, kaya hindi ko makita kung nakapikit ba siya o nakadilat. May sasabihin sana ako kay Keeno, nang biglang impit na nagtitili si Aileen sa kabilang side ko. "Ata, ayan na siya! Ayan na siya! Oh my!" parang bulate na kumikisay na sabi niya, pero sa akin nakatingin. Inalis ko ang suot kong shades at pasimple kong iginala ang tingin ko, para hanapin si Zyrus Samaniego. Nakita ko siyang naglalakad nga papunta sa direksiyon namin. Agad na nagtama ang mga mata namin. Huli na para mag-iwas ako ng tingin. Masyado namang obvious na siya talaga ang sadya kong hagilapin ng tingin kung ipapaling ko ang tingin ko. Nakita kong parang bahagyang kumunot ang noo ni Zyrus, habang nakatingin pa rin sa akin. Pagkatapos ay agad din iyong umaliwalas. Bahagyang nakangiti na tinumbok niya ang daan papunta kung saan kami nakaupong tatlo. "Papunta siya dito, Ata! Oh my, God! Hindi ako makahinga. Nagha-hyperventilate yata ako," exaggerated na sabi ni Aileen. Nag-mental note ako to remind myself, na mamaya ay babatukan ko si Aileen. "Ai, mag-behave ka nga," mahinang sita naman ni Keeno sa kanya, pero inirapan lang siya ni Aileen. "Miss Ardiente?" Napalingon ako sa nagsalita. Nasa harap na pala namin si Zyrus. "You know me?" nagtataka kong tanong sa kanya. Oo nga at isa akong Ardiente, pero ilang taon din ako nawala dito sa Pilipinas. Kaya ilang taon din namang hindi ako nakakapunta sa mga social gatherings and functions ng mga elite families sa business world. Pero ganunpaman, lagi akong pinapadalahan ni Mama ng mga balita dito sa Pinas, lalo na ng tungkol sa ekonomiya at ng mga personalidad na nagtagumpay sa larangan ng business, kaya hindi ako nahuhuli sa balita. Sa pamamagitan nito, nakilala ko si Zyrus Samaniego, at ang tatlo pang malalapit sa kanila na mga pamilya, na successful din sa mga negosyong hawak nila. Ngumiti si Zyrus. "Who would not recognize the last heir of the Ardiente's?" Talaga ba? Paano naman nangyari 'yon? Eh, sixteen lang ako nung umalis ako dito sa Pinas? Nginitian ko na lang din si Zyrus. "By the way, sino ang kasama mo?" tanong ni Zyrus. "I'm with my friends, Aileen Galicia," nilingon ko si Aileen, at agad naman niyang iniumang ang kamay niya kay Zyrus para makipagkamay dito. "From the clan of GalMan's chains of stores..." maarteng pakilala pa ni Aileen sa sarili niya. Palihim ko siyang inirapan. Lantud! Mamaya may sabunot sa akin ito pag-alis ni Zryus. Pagkatapos ay itinuro ko si Keeno na nasa kabilang side ko. "And this is Keeno Vidanes." Tiningnan ni Zyrus si Keeno. "Oh! The second son of George Vidanes. The brain of the all-Filipino fast-food chain." Kiming nakipagkamay si Keeno kay Zyrus. Alam ko, nasa isip na naman niya ang insecurity niya. Na siya ang illegitimate son ni Tito George. Pero aware or unaware, Zyrus has been a gentleman not to mention that to Keeno. "Anyway, I have to go. My fiancee is waiting for me in Manila. So I need to fly back now," paalam ni Zyrus sa aming tatlo. "Oh, okay. Nice meeting you," magalang na sagot ko sa kanya. "I hope this will not be the last time that we will meet?" nakangiting sabi ni Aileen kay Zyrus. Tingnan mo 'tong bruhang 'to. Gumaganun pa! Gustong-gusto ko na sana siyang kurutin, pero medyo malayo kasi ang distansiya namin. Pasalamat siya! Ngumiti naman si Zyrus. "Umm... maybe... sa Manila? Di ba tagaroon din naman kayo? Maybe, you can have a staycation in one of our hotels there. Just give me a ring, bigyan ko kayo ng additional one day stay. For free." "Really?" sagot naman ni Aileen. Tumango lang si Zyrus. "Got to go, guys! See you... when I see you?" nakangiti niyang tanong, saka salit-salitan kaming tiningnang tatlo. "Sige lang," sagot ni Keeno. Ngumiti lang ako kay Zyrus, habang maarteng kumaway si Aileen. Napailing na lang ako. "Ata? Don't tell me, hindi mo type si Zyrus Samaniego?" tanong sa akin ni Aileen nang makalayo na si Zyrus. Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ni Zyrus. Kitang-kita ko ang malapad na mga balikat nito, sa suot niyang dri-fit na polo shirt. Muli akong sumandal sa lounge chair. "Hindi," maikli pero direct to the point kong sagot. "What?? Sa guwapo na 'yun?" exaggerated na tanong ni Aileen. "Oo. Guwapo. Actually, guwapo is an understatement. Pero hindi ko talaga siya type." "Mabuti naman." Napalingon ako sa katabi kong si Keeno. Pero hindi ito nakatingin sa amin ni Aileen. Palaisipan sa akin ang ikinomento ni Keeno, pero hindi ko na lang pinansin. "Tara na, swimming na tayo! Wala nang masyadong tao sa pool, oh!" aya ko sa kanilang dalawa, sabay tayo na. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD