“Sean, right?” “Yes, I am. May I know why you know me, Madam? And why you're here in my shop?” Hindi ko alam kung marunong din ba siyang magsalita ng wikang Filipino. “I'm Hilda Davies,” naglakad ito palapit sa akin habang nakangiti. Ang aliwalas ng mukha nito. Nakakahawa ang kanyang mga ngiti kaya ngumiti din ako sa kanya. Agad siyang nakipagkamay sa ‘kin habang titig na titig sa mukha ko. “I’m Sean Zhao of A La Moda de Zhao. How may I help you, Madam?” tanong ko sa kanya. “Oh sorry, I must invite you to come to my office.” Nahihiya kong wika sa kanya. Ngumiti lang siya at marahang ikinaway ang kamay sa hangin na ibig sabihin ay balewala sa kanya na nakalimutan kong imbitahan siya sa aking opisina. “No worries, Sean.” Inanyayahan ko siya sa aking opisina after I asked Cel to get

