( W A R N I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! T Y P O ' S A H E A D. E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 63: ANG PAGKIKITA Nakipagkasundo ako kay Caleb kagabi. Sinabi ko sa kaniya kung pwede ba na makita kong muli ang aking mga magulang bago ako mag-undergo ng S.R.S. Hindi kasi biro ang dadaanan kong operasyon. Tumatalakay na ito sa aking pagkatao at sa magiging buhay ko pagkatapos ng operasyon. Noon una, naging hesitant siya at nanindigan siya na hindi talaga at bawal daw. Ang sabi ko naman bakit. Hindi raw kasi gusto ni Caleb na maungkat pang muli ang aking nakaraan dahil bago na raw ako. Hindi na ako ang Blaire na lumaki na simple at may munting pangarap sa buhay. Pero hindi ako sumuko. Nagpursige ako na kumbinsihin si Caleb. Mabuti na lang sa ikalawa