(W A R N I N G : T Y P O A N D E R R O R S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 33: BALDWIN BLAIRE’S P. O. V. Pinapasok namin si Tisoy at pinaupo sa sofa. Nakatingin lang siya sa labas at hindi pinapakialaman ang aming pag-iyak. Nakakahiya man para makita niya kami na ganito kaya ikinalma namin ang aming mga sarili. Tahimik lang siyang nakatingin sa labas. Hawak hawak niya ang isang briefcase at pinapatunog niya ang mga daliri niya rito. Pumunta ako sa salamin at mabilis na sinulyapan ang aking mukha. Baka may muta pa ako o sipon na kumalat sa kung saang parte ng aking mukha sa kakaiyak namin kanina. Sina Mamá at Papá naman ay nauna ng naupo sa upuan kaharap si Tisoy. Panay singhot nilang dalawa dahil barado na ang kanilang ilong s