( W A R N I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! T Y P O ' S A H E A D. E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 57: SANA ALL SINUSUYU BLAIRE’S P.O.V Pagkalapag ko ng kape sa mesa ay umalis agad ako. Naaalibadbaran ako sa kaniyang pagmumukha. Sarap sabunutan na ewan. Hindi man lang ako pinasalamatan sa pag gawa ko sa kaniyang kape. Parang nandidiri pa siya kanina habang hinahawakan ang mug na ibinigay ko sa kaniya. Para talagang sira. Artehan pa naman ako gayung kay linis ko iyong ginawa kahit pa gusto ko siyang lasunin. Oo. Alam ko masama. Pero ang puso ko ay nagpupuyos sa galit sa kaniya. Kung pwede lang sana manuntok ang puso ko, kanina pa dumudugo ang bibig ni Caleb. Habang papaunta ako rito sa kuwarto niya. Nagkailangan at nagkaiwasan pa kami. Kung kail