(W A R N I N G : T Y P O A N D E R R O R S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 11: MISTER KO ARTURO’S P. O. V. Mahigit tatlong Linggo ko din na niligawan si Blaire. Mahirap. Hindi madali. Mataray kasi ang Misis ko. Konting lambing ko. Bratatatatat ang bibig. Nasasaktan ba ako? Minsan. Pero sanayan na rin. Naiingayan ba ako? Oo tang ina. Isang salita pa lang ako. Bilyon na ang kaniya. Napapagod ba ako? Paniguradong hindi. Kailanman ay hindi ako mapapagod na mamahalin siya. Sa tatlong Linggo na iyon ay ipinamalas ko sa kaniya ang aking kagwapuhan at ang buong ako. Purong Arturo Salvador. Walang halong panggagaya o pangongopya. Nariyan iyong inaasar ko siya, nilalambing, sinusuyo. Mga bagay normal na nangyayari sa isang relasyon. Ngayo