(W A R N I N G : T Y P O A N D E R R O R S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 36: LAST DANCE BLAIRE’S P. O. V. “Ang ganda mo ngayon sa suot mo, Blaire,” sabi ni Arturo. Inalalayan niya ako sa pag-upo sa silya. “Salamat,” umupo ako. Talagang tinotoo nya ang sabi niya sa akin. Kanina, inaya niya ako na kung puwede ay ma date niya ako sa huling pagkakataon. Wala naman akong problema at pumayag ako. Mas mabuti na ang maagang closure para na rin hindi na masyadong mabigat ang papasanin ko bukas sa aking paglisan. Kamuntikan pa nga akong hindi makadalo dahil sa higpit ni Papá sa akin at sa bulyaw ni Mamá. Na baka raw ay magpakatanga ulit ako at mahulog sa kaniya. Hindi naman ako nagalit sa kanila. Alam kong pagpapangaral iyon at sinisig