(W A R N I N G : T Y P O A N D E R R O R S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 28: PARTY BLAIRE’S P. O. V. "Sigurado ka na ba, anak?" Tanong ni Mamá. Pinagmamasdan niya lahat ng kilos at galaw ko. Gabi na at malapit na magsimula ang party. Huling araw ko na rito pero nagtatanim pa rin ako ng sama ng loob sa kaniya. Kay Arturo. Kanina pa ako tinatanong ni Mamá. Kung sigurado ba siya na pupunta ako sa party nina Tito Arman at Tita Andrea. Icecelebrate kasi nila ang kanilang wedding anniversary. Ayaw ko sanang dumalo pero baka kung ano ang isipin nina Tito at Tita. Ayaw kong makaramdam sila na dinamay ko sila sa galit ko sa anak nila. Mabuti ang pakikitungo nila sa akin mula paman noon. Kaya kahit paman may kirot sa aking puso