(W A R N I N G : T Y P O A N D E R R O R S A H E A D ! ! ! ! ! ! ! ! E N J O Y R E A D I N G ! ! ! ! ! ! ! ! ! ) CHAPTER 41: BEBE KO PART 2 BLAIRE’S P. O. V. Inikot ko ang aking katawan at tiningnan ang lalaking matalim na nakatingin sa amin ni Baldwin. Pero bigla na lang... “Baldwin!!” sigaw ko. Diyos ko po tulong! Natumba siya sa sahig. Napahiga talaga habang dumudugo ng malala ang ilong. “Ba-Baldwin,” panawag ko sa duguang lalaki. Humalakhak si Caleb. Tiningnan ko siya ng masama. “Why did you punch him?” tanong ko. Oo. Malakas niya na hinataw sa ilong si Baldwin. Kawawa ang tao dahil hindi lumaban. Nagpatianod lang siya at hinayaan ang “Master” kuno niya na sumuntok sa kaniya. “Shut up! You flirty slag!” pinanlisikan niya ako ng mata. Ano bang problema nito? Kung tungkol