Chapter 58: Mess THIRD PERSON's P.O.V Nang matapos ang kasiyahan at celebration sa reception ng kasal nila Cyrus at Isla ay isa-isa namang umalis ang mga bisita nila. At dahil natira na lang ang mga kamag-anak ni Cyrus at ang ibang kakilala ng bride at groom ay hindi na sila nag-abala pang alalahanin ang ibang kalat na naiwan. Hotel na kasi mismo ang magliligpit ng mga kalat sa venue. At dahil ginabi na rin ang tapos ng party nila, ang ibang bisita ay pinag-check in na lang nila sa hotel. Palabas pa lang sila Isla at Cyril sa venue ay agad namang napansin ng dalawa na may humarang sa dadaanan nila. "What are you doing here?" Isla asked when she saw the familiar faces. Mabilis namang napatingin si Cyril sa harapan nila ng makita ng lalaki ang tiyohin at tiyahin ni Isla. Seryosong nak

