Chapter 9: Past (2) CYRUS DELROY's P.O.V -FLASHBACK- Simula ng tumira ako sa bahay ng ama ko ay nasanay na rin akong mamuhay bilang Cyril. At gaya ng mga kasambahay nila ay natuto rin akong manilbihan. Kapag may bagay na hindi nagagawa ang mga kasambahay nila ay ako ang gumagawa. Katulad na lang ng magdidilig ng hardin nila, maglilinis ng pool at iba pa. Natuto rin akong gumawa ng sirang lababo nila dahil gusto ng ama ko na kahit iyon ay ako ang gumawa. Hindi lang iyon, kahit sa paglilinis ng mga sasakyan nila ay ako rin ang naglilinis. Gusto kasing ipamukha sa akin ng ama ko na hindi ako tumira sa mansyon niya para maging anak niya, kundi maging isang 'boy'. Pinilit ko lang na lang na tiisin ang mga bagay na nagpapahirap sa buhay ko dahil kahit gustuhin ko man na umalis sa poder ng