Chapter 54: Control THIRD PERSON's P.O.V Nasa kalagitnaan si Cyrus ng pagtulog ng makarating ulit siya sa lugar kung saan sila nagkikita ni Cyril. Sa pagkakataong iyon ay hindi na iyon isang madilim na lugar. Para silang nasa flower garden at nakita niya si Cyril na nakaupo lang sa ilalim ng puno. "What happened here?" Cyrus asked in confusion. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit sa loob ng isip at kamalayan nila ni Cyril ay nagkaroon ng ganung klase ng lugar. "I tried to make this. Nagsasawa na ako sa madilim na lugar. Sobrang nalulungkot ako kapag naiiwan ako mag-isa rito kaya naisip ko na dapat matutunan ko na rin kung kailan ko gustuhing lumabas sa katawan mo." seryosong sabi ni Cyril. Tumaas kaagad ang kilay ni Cyrus dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ng lalaki. "H

