Chapter 11: Sickness ISLA SENA's P.O.V Umagang-umaga ay ramdam na ramdam ko na kaagad na mabigat ang pakiramdam ko. Bukod sa para akong ta-trangkasuhin ay hindi ko mapigilang magsuka. Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng sink dahil pakiramdam ko ay hinahalukay ang sikmura ko kahit na kakabangon ko lang sa higaan. Kahit na gusto kong kumain ay parang wala rin akong gana kaya naman nagmumog na lang ako ng maligamgam na tubig. Huminga ako nang malalim bago ko na-realize na kailangan kong pumasok sa trabaho kahit na masama ang pakiramdam ko. Inisip ko na lang na magpatingin sa doctor pag-uwi ko mamaya galing trabaho. Kaya naligo na lang ako bago nagbihis at saka humanda sa pagpasok ko sa kumpanya. Pagkatapos kong makapagbihis ay agad naman akong pumunta sa kotse ko at saka sumakay bag